Tuesday, September 5, 2017

Ang Pag-aayos Ng Sarili


Mag-ayos ng buhok
Yan ang payo ni suklay
Sa magulong buhok
Huwag daw masanay

Hirit naman ni sapatos
Lagi mo akong linisin
Isauli sa lagayan
Pagkatapos gamitin

Uniporme mong gusot
Iyo munang ayusin
Para kapag nakita ka ni plantsa
Hindi ka nya habulan

Mga paalala nila'y 
Palaging isabuhay
Para pag-uwi sa bahay
Hindi ka pagalitan ni nanay

                               

Ang Pagpila Sa Kantina



Kahit ako ay nasa dulo
Natatakam na ako sa puto
Sa mahabang pila na ito
Parang gusto ko ng menudo

Mainit ang panahon 
Na parang bagong lutong sotanghon
Lahat na kami ay nagugutom
Sa mahabang pila na tila footlong

Nakakainis ang paghintay
Kailangan ko ng matamis 
Pampawala ng umay
Pero lahat ng ito'y titiisin
Para sa masustansyang ginisang gulay

Ngayon kaharap ko na si Aling Rhea
Makakatikim na ako ng aking meryenda
Tama nga ang sabi mamatatanda, 
Kapag may tiyaga,  may nilaga. 

                     
                                                                                                     

Ang Pag-aayos Ng Sarili

Mag-ayos ng buhok Yan ang payo ni suklay Sa magulong buhok Huwag daw masanay Hirit naman ni sapatos Lagi mo akong linisin ...